T A L A ~
Bato Bato sa Langit
Sana'y wag magalit
Sa pusong nagpupumilit
Na humingi ng ilang saglit
Sa ilalim ng gabing maulap
Ika'y naghihintay na tala'y lumaganap
Ngunit sa isip mo'y 'di lingap
Tala ko'y nasa aking harap, aking hawak hawak
Puso ko'y nagagalak
Tuwing ikay humahalakhak,
Ngiti mo'y kumikinang ng parang mga tala
Tang'na, 'yoko na, ako'y namumula
Mahal kita, oo na
Masaya akong ika'y nakasama
Sa ilalim ng langit, kasama ang mga tala
Kahit ang mundo'y mapait, ako pari'y pinagpala
Sana'y langit 'wag magalit
Sana'y mga tala'y mapilit
Ng puso kong sabik na sabik
Na makasama ka, ng higit sa isang saglit

Comments
Post a Comment