Sumpa ~

Bawat saglit ng saya't halakhak
Habang ang iyong kamay ay hawak-hawak
Ay katumbas ng nagbabadyang kalungkutan
Na dala ng iyong paglisan

Bawat hakbang habang ika'y papalayo
Binibilang ang mga minuto baka ika'y lumiko
Hinahangad na ika'y muling mahagkan
Ngunit ika'y di magawang pigilan







Nais 'kong malaman mong ako'y handa
Pakpak mo'y 'di pipigilan ika'y sumaya lamang
Lipad, at ang mundo'y tuklasin
Tunay na kasiyahan ay kamtin,
At lahat ng pangarap ay abutin

Mahal, nais kong malaman mong ako'y handa
Sa anumang pagsubok ang buhay ay dala
Sa lahat ng sakit na bunga ng nitong pag ibig
Sumpa kong ako'y naririto, nahihintay sa 'yong pagbabalik.

Comments

Popular Posts