Kahit Hindi Mo Alam

At sa aking paglisan, mga luha'y punasan
Pagmasdan ating larawan, nang lungkot ay maibsan ...

Nang ikaw ay makilala,
Buhay ko'y biglang nag-iba
Lungkot ay nalimot,
Nagising sa bangungot

Lumipas ang mga araw,
Ligaya ng langit ko'y ikaw,
Umulan ma't bumagyo,
Puso'y may bahaghari dulot mo

Ngunit lingid sa aking kaalaman
Kalungkuta'y andya'n lamang,
Nakatago, nakamasid,
Naghihintay ng pagkakataong makatawid

Pilitin mang itago,
Gamit ang mga ngiti sa litrato,
Ngunit sa loob ng puso
Pilit na lumalaban at wari'y pagod na pagod na sinasabing
"kaya ko 'to"

Ngunit…

Patawad, Mahal, paalam,
Kung akoy nawala ng walang paalam
Ngunit kahit ako'y lumisan, tumingin ka sa buwan
Ipikit ang mga mata, makiramdam

Sapagka't ako'y andito lamang,
hanggang sa ika'y nakamasid sa buwan,
Sa ilalim ng kanyang kinang,
Kahit hindi mo alam. ~

Comments

Popular Posts