Sa huli
Sa mundong mapait
At puno ng pasakit
Akoy pinalibutan ng galit
Minsan, nais na lamang pumikit
At puno ng pasakit
Akoy pinalibutan ng galit
Minsan, nais na lamang pumikit
Sa bawat saglit
Ng poot at pighati,
Mundo'y nanliit,
Nakalimutan nang ngumiti.
Pagdating mo'y di inasahan
Kahit ika'y kilala na ng matagal
Dal'wang taon, di ka lumisan
At ngayon, ako'y muling natagpuan
Bawat kumpas ng panahon
Ilang ulit nang nalunod, umahon
Akala ko'y sarili lang ang makakasalba
Di ko alam, di ko namalayan, ika'y kailangan ko pala
Hanggan sa huli, aking dasal,
Na ako pa rin ang mahal,
Magkahawak ang kamay, magkasamang binabaybay,
Ang minsan ko nang nais na lisaning buhay -
Comments
Post a Comment