Humimbing

 Bawat saglit ng araw, parang may nakamasid, 

Naghihintay sa aking isip, malalim, madilim

Bawat minuto'y hawak ko, aking akala

Ako'y mag-isa, ngunit kami'y dal'wa pala


Bawat hakbang, may sumusunod

Na tila ba yapak ko'y hindi alinsunod

Sa direksyong nais tahakin,

Araw-araw lumalakas ang bulong sa'kin


Sino ka bang nasa ilalim?

At bakit ba ika'y nakakapit sa'kin

Araw-araw ko'y di tiyak

Nais ko lang naman ng buhay na payak


Sino ka bang nagmamasid sa dilim?

At bakit di ka lumisan sa'kin

Nais kong salubungin ang bukang liwayway

Puno ng pag-asang maging masaya sa buhay. 


Alam kong tayo'y iisa, ikaw at ako

Ngunit hindi pwedeng tayo'y dal'wa sa mundo

Humimbing,

Humimbing,

Humimbing ka sa ilalim,

Nang nawa'y pagasang kasiyahan ay tuluyang maangkin.

Comments

Popular Posts