Patawad, Salamat

Sa pag lipas ng araw, akala ko ika'y sapat

Hinding hindi na magawa sayo'y maging tapat

Huli na nang napagtanto, noong una pa lang 

Ikaw ang kailangan, pero 'di ang mahal 


Hindi ka nagkulang, ngunit hindi sapat

Araw-araw mong pinapangiti pero ngiti niya'y hanap

Akala ko'y pagmamahal ay matututunan lang

Ba't kahit ika'y narito, pero siya ang hangad


At kahit hindi ako ang mahal niya,

Hindi ko rin pipilit pa,

Ang tanging magagawa ko lang sinta,

'Wag ka nang paluhain,

Patawad, ako'y lilisan na


Noong una'y akala ko, ito'y lumipas na 

Sa buhay ko, magmula nang siya'y umalis pa, 

Nakita mo't nadama ang lahat lahat

Nasasaktan, ngunit wala kang sumbat


At kahit hindi ako ang mahal niya,

Hindi ko rin pipilit pa,

Ang tanging magagawa ko lang sinta,

'Wag ka nang paluhain,

Patawad, ako'y lilisan na


Patawad, ako'y nangako ng walang hanggan

Siya ang nauna, ngunit siya rin ang wakas


Hindi man ako ganoon sa kanya,

Di man ako ang piliin niya,

Maling magpanggap na tayo'y sinadya

Naway mapatawad,

Salamat aking saad,

Sa pagpapaubaya, ako ay lilisan na.


Comments

Popular Posts