Hakbang ~

Binibilang ang hakbang, hanggang ika'y mawala
Nagbabaka-sakaling ika'y lumingon pa
Pinagdarasal na ang lahat ng ito'y biro lamang
Pagka't mahal, ang puso ko'y walang kalaban-laban

Ayaw 'kong maging sakim, pawang nagmamahal lang
Lahat ay kayang ibigay, hahanapin kung saan-saan
Ngunit kung kalayaan mo ay tanging hangad,
Walang magawa, kundi manood sa'yong paglakad

Mahal kita, hanggang sa aking kaya,
At kung sa piling ko'y 'di ka na maligaya,
Sa iyong pag alis, ako ay may isa lang nais,
Na iyong harapin ang bukas ng iyong ngiting matamis

Kung araw ay dumating at ika'y babalik sa aking piling,
Ako'y andito lang, kung sa'n mo iniwan,
Sa isang sulok ng mundong, madilim, makipot
Naghihintay sa'yo o aking tala, na liwanagan ang puso

Comments

Popular Posts