Karilagan ~

Masdan mo ang mga tala sa kalangitan
Nagniningning ng walang hanggan
Mata'y nakakapit ng mahigpit
Sa hiwaga ng langit


Hindi inda ang pagod na nararamdaman
Sa araw-araw na pakikipaglaban
Pagka't 'pag gabi'y papalapit
Puso'y nagagalak, nasasabik
Nasasabik na maging Malaya,
Malaya sa loob ng yakap mong kay higpit

Saksi ang mga tala sa langit
Sa saya ng pusong pinipintig
Habang ika'y nakangiti
Nakangiting saaking nakatitig

Mundong papalubog biglang tumigil sa pag-ikot
Nang masaksihan ang karilagan ng iyong pagmamahal
Kahit mga mata'y Malabo, Tala'y malayo,
Pagmamahal ng talang nasa lupa lang pala ang hinahanap ng puso ~



Comments

Popular Posts