Saliw

Dinggin ang saliw ng musika,

Bawat tugtog, may hiwagang dala,
Sa bawat kaskas ng gitara, Ikaw ang naalala
Hinihiling, ikaw ang kausap sinta


Sa simula pa nung una, musika na ang kasama
Bawat araw may tugtog, laging may kanta
Ngunit nagyo'y ihip ng hangin ay tila nag iba
Pagka't sa lahat ng kanta'y ikaw ang naalala

Sa tugtog ng gitara,
Sa saliw ng musika,
May hiwaga na nadarama,
Mahiwaga, dahil ikaw ang kasama.

Kahit kanta'y hindi pangsayaw,
Pag ika'y nariyan, sa saliw ng musika'y lahat gumagalaw
Puso'y laging humihiyaw,
Tuwing naalala ang gabing, ako'y iyong unang isayaw.

Musika lang ang tangi kong naging kaibigan,
Simula pa noong ako'y bata pa man
Pero musika ko'y handang ibahagi sa'yo, na pawang nilalaman
Ng puso kong handang magmahal hanggang kailan pa man.

Comments

Popular Posts