Salamat, Gabay



Sa kabilang dulo ng kweba ika'y nakita
Nakangiti, Nakakaway, Nang-aakit, 
     Na tila ba nasisilaya'y patikim ng langit,
Lahat ng ilaw sa iyo lang nakadirekta
Ako'y napatulala't patungo sa'yo napatakbong bigla


Ngunit saking paglalakbay ako'y may napagtanto
Tila ika'y unti-unting lumalayo
Bawat hakbang sa halip na papalapit
Parang ika'y lalong humihilam sa bawat saglit

Hindi ko akalain na ako'y maiiwan
Ng isang tulad mong alam kong makatarungan
Lahat ng saya't paglalambing na tila walang hanggan,
Ay nabura, na parang kapuluang nilamon ng karagatan
Subalit, kahit ako'y iyong nilisan
Datapwat Salamat, at sa aking paghahabol,
Sa iyong kinang na nakadadarang,
Ika'y naging gabay, na pumatnubay,


At ang kwebang madilim na tila walang hanggan...


....ay sa wakas, ako'y unti-unti nang binibitawan


Comments

Popular Posts