Hampas
Ngiti sa labi, malalambing na salita, Magulong isip, maamong mukha, Mundo'ng mapanakit, maraming pinagkait, Tanging kalaayan, hampas ng mga alon karagatan Matikas na tindig, namumugtong mga mata Nakatikom na bibig, matatalim na salita Galit sa mundo, galit sa mga tao Pampakalmang tangi, hampas ng alon sa baybayin Patuloy na naglalakad, Sa bawat hakbang papalapit Dal'wang kaluluwa nakapilipit 'Di lingid, tadhana'y nakadikit At ngayon, magkatabi Bilog na buwan, nakatikom ang mga labi Nakatingin sa langit, sa mga bituin, Nakikinig, nagmamasid sa hampas ng alon